Mariel never naglakas-loob na kantahan si Robin ng ‘Ikaw’

TAWA kami nang tawa sa sagot ni Mariel Rodriguez na kahit isang beses daw ay never talagang nag-request ang mister niyang si Robin Padilla na kantahan niya ito.

“He just knew. Ayaw siguro talaga niyang masaktan ako,” susog pa nito sa naging komento ni Vice Ganda na kahit kantang-kanta na siya ay hindi pa rin magre-request ang asawa.

Sa pagbabalik kasi ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, aliw na aliw na nagpasakalye ng ilang notes ng kantang “Ikaw” si Mariel kaya’t tinukso siya ng mga co-host niya kung nagawa na ba niya ito kay Robin?

“Never,” sagot nito sabay sabing naging theme song man nila ni Robin ang nasabing awitin, pero never niyang pinaglakasan ng loob na kantahin ito for Robin.

q q q

Speaking of Tawag Ng Tanghalan, isa kami sa sobrang natutuwa na finally, unti-unti nang nari-realize ng show na kaila-ngan na nilang mas higit na maging mapanuri sa pagpili ng mga sumasali sa kontes.

With the addition of our dear friend Dulce bilang pinakabagong hurado, higit ngayong mas may kredibilidad at talagang masasabing level up na ang show.

Sa pagpasok ni Dulce na isa sa mga laging ehemplo o idolo ng mga sumasali sa TNT, mababawasan na yung agam-agam ng ilan na hindi nasusuri nang maayos ang mga boses o istilo ng kalahok dahil may iilang hurado na tila wala sa wisyo ang pagmamarka.

Wa na ang pagne-name names dahil for sure napapanood ninyo naman at naririnig kung sino sa kanila ang halatang nang-eeklay lang o mema lang! Hahahaha!

Read more...