Horoscope, June 27, 2018 | Bandera

Horoscope, June 27, 2018

Madam Sophia - June 27, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Upang hindi maging malungkot, wag mag-expect ng kahit ano. Sa halip, kumilos lang nang kumilos dahil kusang mamumunga ng maganda ang anumang bagay na iyong ginagawa. Sa pag-ibig, wag kang pihikan. Kung sino ang nasa iyong harapan, sunggab agad. Mapalad ang 8, 17, 25, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Pasiglahin mong lagi ang iyong sarili dahil kung gaano ka kasigla at kasaya, ganoon din ang dating ng maraming suwerte at magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, habang masaya kayo ng iyong kasuyo ay mas maraming mga biyaya at pagpapala ang darating sa inyong pamilya. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Blue at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kahit na sobrang busy sa trabaho, maglaan ng oras sa love life. Kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo ay darating ang araw tuluyan na siyang manlalamig at mawawala sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kahit nagkakaedad ka na, magsimula ng mas magagandang bagay ngayon. Sa pag-ibig, panatiliin ang kasuyong isinilang sa zodiac sign na Libra. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa high tech na kasangkapan ka yayaman. Mapalad ang 1, 5, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag mabahala, kusang darating ang panahong ang lahat ng bagay ay babalik sa dati niyang sukat at ayos – isang masaya at panghabambuhay na pamilya ang sa iyo ay nakalaan. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) —Marami na namang hahanga sa iyo, dapat magamit mo sila sa mga bagay na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, may mga nagnanasa sa iyong kagandahan, ngunit sa isang naka-yellow ka labis na mai-in love. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 42, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Bukod sa yellow, ang orange ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa araw na ito ay may sopresang matatanggap na ikagagalak ng iyong puso. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” White at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansyal, hindi dapat mainggit sa iba dahil may kanya-kanyang kapalaran ang bawat tao, ang mahalaga, maging masaya ka kasalukuyan mong sitwasyon at kalagayan. Sa pag-ibig, basta’t magtiwala ka lang sa iyong minamahal, lalo pang iigi at sasarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Parating na ang suwerte, basta’t ipilit mo lang nang ipilit ang iyong gusto. Makikita mo at ang lahat ng mga pangyayari ay aayon din sa iyong mga plano. Sa pag-ibig, may isang naka-red ang palihim na humahanga na naman sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Durga-Om.” Red at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa araw na ito ay papabor sa iyo ang kapalaran. Iniiisip mo pa lang iyon na agad ang aktuwal at talagang mangyayari. Kaya naman, iwasan mong mag-isip ng masama sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na lambingan pagsapit ng gabi. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Om.” Lilac at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, kapag dumami nang dumami ang salapi ay lalong iinit at sasarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansyal, hindi ba’t kung minsan hindi lang pera ang nagpapaligaya, kailangan mo ring umibig at magmahal. Umpisahan mo na ngayon, hanapin ang isang Libra – siya ang sa iyo ay tunay at higit na magpapaligaya. Mapalad ang 5, 18, 24, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha-Om.” Gold at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—May perang marami o sakto lang, laging tumulong sa iyong kapwa lalo na sa mga kapus-palad at mga nangangailangan. Sa ganyang attitude, pagdating ng Hulyo, muling gaganda ang pasok ng suwerte at sa pakikipagrelasyon lalo pang liligaya. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending