Asunto vs kumpanyang lalabag sa diskriminasyon sa edad

MABIGAT na parusa ang maaaring kaharapin ng mga kumpanyang susuway sa ipinaiiral na batas laban sa diskriminasyon sa edad

Kaya hinikayat ng Department of Labor and Employment ang mga manggagawa na iulat ang mga kumpanyang lalabag sa Anti-Age Discrimination Law.

Ipinagbabawal sa batas na magtakda ang employer ng limitasyon sa edad sa pag-aanunsiyo sa media ng mga bakanteng trabaho, at ang pagdedeklara ng edad o taon ng kapanganakan sa pagproseso ng aplikasyon sa trabaho, gayundin ang pag-alis ng karapatan ng empleyado para sa promosyon, training, at ang pagtatakda ng maagang pagreretiro dahil sa edad.

Malinaw na ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon sa edad sa pagtatrabaho.
Kahit ang mga labor organization ay hindi pinapayagan na tanggihan ang isang miyembro sa pagsali sa organisasyon dahil sa kanyang edad

Ngunit pinapayagan ng batas ang mga employer na magtakda ng limitasyon sa edad sa pagtatrabaho kung ang edad ay isa sa lehitimong kwalipikasyon sa posisyon at ito ay kinakailangan para sa normal na operasyon ng negosyo.

Kinakailangang iulat ng publiko ang mga kompanyang hindi tumutupad sa batas at hinikayat ang mga manggagawa na iulat ang insidente kung saan nakaranas sila ng diskriminasyon dahil sa kanilang edad sa pinakamalapit na regional o provincial office ng labor department upang sila ay matulungan sa paghahain ng kaso.

Pinaalalahanan din ang mga pribadong establisimento na ang paglabag sa batas ay may katumbas na multa na hindi bababa sa P50,000 at hindi hihigit sa P500,000 o pagkakulong ng hindi bababa sa tatlong buwan at hindi hihigit ng dalawang taon.

Kung mapatunayan ng korte na lumabag ang kumpanya, maaari itong pagbayarin ng multa ng P50,000- 500,000 o pagkakulong ng tatlong buwan hanggang dalawang taon. Kailangang alam nila ang batas dahil maliwanag na nakasaad na ang diskriminasyon sa edad at hindi pagbibigay ng promosyon dahil lamang sa kaniyang edad ay mahigpit na ipinagbabawal.
Mr. Nicanor Bon
Program and Policy Division Chief
Bureau of Working Conditions
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...