PNP ipinag-utos ang imbestigasyon sa misencounter ng pulis at militar sa Samar

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar D. Albayalde ang imbestigasyon kaugnay ng madugong misencounter sa pagitan ng mga pulis at militar sa Samar.

Sinabi ni PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana Jr. na bumuo na ang PNP ng isang Special Investigation Task Group para magsagawa ng imbestigasyo kaugnay ng pagkamatay ng anim na pulis at pagkakasugat ng siyam na iba pa.

Bumuo na ang PNP ng isang Board of Inquiry (BOI) na pinamumunuan ni Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Eastern Visayas Dir. Rolando Felix.

Bukod kay Felix, kasama rin sa BOI sina Directorate for Operations Executive Officer Chief Supt. Rene Pamuspusan, Directorate for Investigation and Detective Management Executive Officer Chief Supt. Adelio Benjamin Castillo, at ang kinatawan mula sa Criminal Investigation and Detection Group.

“Support group ang BOI. It will closely coordinate with AFP counterparts, [it] not only look into incident itself but also operational strategic ramification of incident so that it will not happen again,” sabi ni Durana.

Tiniyak naman ni Albayalde ang hustisya para sa mga nasawing pulis.

“I extend the deepest sympathy of the PNP to the families of the six young men who died in that unfortunate incident in Sta. Rita, Samar, even as I assure the surviving kin of all possible assistance of the PNP to ease their grief, including a full dress investigation into the circumstances surrounding the incident,” dagdag ni Albayalde.

Nangyari ang insidente ganap na alas-9:27 ng umaga sa Brgy. Sta. Rosa in Villareal, Samar.

Inambus ang mga biktima na mula sa 805th Mobile Company of the Regional Mobile Force Battalion 8, ng mga miyembro ng 87th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng combat operations sa lugar.

Inatasan na rin ni Albayalde si Eastern Visayas director Chief Supt Mariel Magaway na madaliin ang pagpoproseso ng mga benepispyo para sa pamilya ng mga biktima, ayon pa kay Durana.

Read more...