“Unang-una po, inaanunsiyo ko po na tinalaga po ng Presidente ang inyong abang lingkod kasama po si Boy Saycon at saka si Usec. Ernie Abella para maging komite na makikipag-usap at makikipagdayalogo po hindi lang sa Simbahang Katolika, kundi po sa lahat ng grupo na nais magkaroon ng dayalogo sa panig po ng gobyerno,” sabi ni Roque sa isang briefing sa Davao City.
Ito’y matapos namang umani ng pagbatikos sa iba’t ibang religious groups at maging sa mga mambabatas ang naging pagbanat ni Duterte sa Diyos.
“Kahapon lang po ito nadesisyunan ni Presidente, at ngayong araw po nakipag-ugnayan po ako kay Mr. Boy Saycon na simulan na ang proseso para magkaroon na ng dayalogo. Siyempre po, unahin natin sa Simbahang Katolika bagama’t bukas din po ang pinto para sa mga Born Again churches ‘no,” ayon pa kay Roque.
Sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City, muling bumanat si Duterte sa Simbahan kung saan hindi rin nakaligtas ang “Last Supper” ni Hesus at ng kanyang mga Apostoles.