Bimby may mamahaling pasalubong para kay Julia…galing Japan
Tuwang-tuwa ang netizens nang mapanood ang video sa vlog ni Kris na kuha during the birthday celebration of Joshua sa Tokyo, Japan.
Sey ni Kris, “I just love Japan. We love the food. And we love the shopping.”
Kinilig naman ang mga followers ni Kris nang malamang may “Gucci” pasalubong si Bimby para sa kanyang super crush na si Julia Barretto. Nag-text pa raw ang bagets kay Julia pra tanungin kung ano ang gusto nitong pasalubong, “I’ll get ate Julia this one. I’ll get brownie points,” sey nito habang buhat ang ilang kahon ng mga sapatos. Meron din daw regalo si Bimby para sa ka-loveteam ni Julia na si Joshua Garcia.
Naging malapit si Bimby sa magka-loveteam dahil palagi siyang kasama ni Kris sa shooting pelikulang “I Love You Hater” na showing na sa July 11 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.