Sharon inatake ng ‘sepanx’, Frankie mag-isang nagpunta sa US

RAMDAM na ramdam ni Megastar Sharon Cuneta ang matinding “sepanx” (separation anxiety) sa pagta-travel ng anak niyang si Frankie sa Amerika nang mag-isa.

Todo-bilin talaga si Mega sa 17-year-old na anak ngayong solo lang itong magbabakasyon sa US ng ilang araw. Kahit daw alam niyang may security ang tinitirhan ni Frankie sa Beverly Hills, hindi pa rin maiaalis sa isang ina ang mag-alala sa anak na malayo sa piling niya.

Basta ang lagi raw ipinaaalala ni Sharon kay Frankie kapag nasa ibang lugar ay, “Don’t talk to strangers.” May binanggit pa itong eksena sa Hollywood movie na “Taken” kung saan nakidnap ang anak ng bidang si Liam Neeson.

Sinagot naman ito ni Frankie ng, “Yes po, Mama…And Daddy has no special skills po!” Hirit naman ni Mega ng, “Oo nga naman. Di naman ex-CIA agent itong si [Kiko] na marunong magkarate! Maryosep.”

Emote pa ni Sharon sa anak, “I guess what I miss most about my Kakie [her pet name for Frankie] is that she is the only one among my four ‘gremlins’ (4 na anak) who makes me ‘po’ and ‘opo’ a million times in any conversation…calls me ‘Mama ko…’

“And always, always takes a few minutes every day to lie down with me or sit beside me, and we hug and say ‘I love you’ to each other over and over again.

“She also has my sense of humor and is able to make me laugh so hard! She is also always the first one to ask me how I am, if I need anything.

“Waaaaahhh!!! Baba, come home sooner!!! Kala mo one year mawawala eh wala pang 2 weeks. Hahaha! Sorry, I just love her so much and miss her so much. Patay na patay ako sa mga anak ko eh sorry!!!” dagdag pa ni Mega.

Read more...