Joey Reyes gustong idirek si Maymay: I think she’s a character!

MAYMAY ENTRATA

LOOKING forward ang veteran at award-winning director na si Joey Reyes na makatrabaho in the future si Maymay Entrata.

Naniniwala si Direk Joey na bukod sa pagpapatawa at pagpapakilig sa milyun-milyong fans, marami pang pwedeng ipakita si Maymay bilang aktres.

“I’d love to work with Maymay. I think she’s a character. I think a character is more important than nearly a beautiful face because you can make her do more challenging things,” papuri ng direktor sa tinanghal na PBB Lucky Season 7 Big Winner sa isang panayam.

Dugtong pa ni Direk Joey, “Noong nanonood ako ng PBB, sa kanya ako tawa nang tawa, eh. Ang saya niyang panoorin.”

“I think the biggest asset of Maymay is, nobody is like her among her group. Same thing with Kisses (Delavin). I think she has done a number of movies and she’s still doing some more. I wish eventually I’ll have the opportunity that Star Cinema will lend me Maymay,” aniya pa.

Si Direk Joey ang direktor ng bagong pelikula ni Kisses na “Walwal” under Regal Films kasama sina Jerome Ponce, Elmo Magalona, Kiko Estrada at Donny Pangilinan.

Read more...