San Juan City sinuspinde ang klase bukas sa pampublikong paaralan

INIHAYAG ni San Juan City Mayor Guia Gomez ang suspensyon ng klase bukas mula elementary hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa isang abiso, sinabi ni Gomez na ang pagsususpinde ay bilang bahagi ng konsiderasyon sa mga mag-aaral at estudyante na bahagi ng Wattah Wattah Festival.

Ang festival, na karaniwang tinatawang na Basaan Festival, ay bahagi ng pagdiriwang ng pista ng St. John the Baptist tuwing Hunyo 24.

Read more...