Pag-landing ng isa pang Chinese military aircraft sa Davao City kinumpirma ng Palasyo

KINUMPIRMA ng Palasyo ang pag-landing ng isa pang Chinese military aircraft sa Davao City, sa pagsasabing ito ay may permiso mula sa gobyerno.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi nina Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go at Presidential Spokesperson Harry Roque na “refuelling” muli ang rason ng biglaang paglapag ng eroplano ng militar ng China.

“…same as first. They stopped to refuel with all permits issued by our authorities,” sabi ni Roque sa isang text.

Ito’y matapos ang paglapag ng Chinese aircraft landed sa Francisco Bangoy International Airport ganap na alas-12:18 ng hapon at umalis ng alas-12:59 ng hapon, kamakalawa.

Matatandaang noong Hunyo 9, isa ring Chinese military aircraft ang nag-landing sa probinsiya ni Pangulong Duterte.

Hindi naman malinaw kung ito rin ang lumapag noong una.

Read more...