Ruru Madrid bumitiw na kay Gabbi Garcia; pinopormahan daw si Valeen Montenegro

MALAYA nang pumorma sa ibang babae si Ruru Madrid dahil pormal nang pinaghiwalay ang loveteam nila ni Gabbi Garcia.

May iba nang pinopormahan ngayong artista (si Valeen Montenegro ba?) si Ruru pero tikom pa rin ang bibig ng Kapuso actor tungkol dito.

Dahil wala pang regular series sa GMA, lumarga muna sa paggawa ng pelikula si Ruru under APT Entertainment kung saan makakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith.

Si Gabbi naman, rumampa muna sa mga beach sa Hawaii kasama ang buong pamilya. Nagsilbing selebrasyon din ito sa pag-graduate ng kanyang ate.

Palibhasa’y beach lover, hayun at bumandera muli ang gandang Pinay ng dalaga sa swimsuits na suot niya. Bukod sa mga beach, sinubukan din ni Gabbi ang skydiving at buong tapang na tumalon sa taas na 14,000 feet, huh!

Sa movie na gagawin, bagong leading man din ang magpapakilig kay Gabbi.

Read more...