Mocha binibigyan ng libreng publicity si Kris, malaking tulong sa promo ng ‘I Love You, Hater’

MOCHA USON AT KRIS AQUINO

THERE goes Mocha Uson again.

Kung hindi paninirya (o pananadya) ang ginagawa ng government misfit na ito, would somebody please provide a better term to describe her anti-Kris Aquino posts on her Facebook page?

Strike Three—na parang hindi naman—ang latest hate post ni Mocha, this time unearthing an old, if not long-forgotten video material kung saan nais lang niyang patunayan na isang gimikera si Kris who’s using her supposedly personal life in pursuit of her publicity agenda.

Nauna rito, ipinost ni Mocha ang mga litrato ng yumaong dating Sen. Ninoy Aquino on board a Manila-bound plane na hinahalikan ng dalawang babae. Those pictures were intended to establish na meron ding malisya ang halik na ‘yon bilang pangontra sa “kissing scene” involving Digong and a female OFW in South Korea.

Nasundan ito ng isyu on dictatorship. Magkahiwalay na ipinost ni Mocha ang phone patch interview kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating Pangulong Cory Aquino.

Kung tutuusin, that of Kris’ saying na umiyak lang daw siya ay makukuha na niya ang simpatya ng tao over James Yap is nowhere close to Mocha’s earlier posts on the Aquinos.

Sabi kasi ni Kris the first time, isang-isa pang pambabastos at pambabalahura ni Mocha sa kanyang mga magulang ay merong kalalagyan ang dating malaswang dancer. In fairness, Mocha heeded Kris’ call (or threat).

But knowing the stuff Kris is made of, for sure, baka ikinatuwa pa nga niya ang pagkalkal ni Mocha ng isang lumang video material if only for the latter’s sheer resourcefulness.

Siguro, sa isip-isip ng babaeng kapos sa pag-iisip, puwes, si Kris na lang mismo—minus her parents—ang pagtripan ko. And one of the most ingenious ways para mabuwisit si Kris ay ipaalala ko ang 1.) ang lalaking kinabubuwisitan niya and 2.) pagiging gimikera talaga ni Kris to stay on top of the game.

Asus, eh, parang neither of Mocha’s perceived intentions would ever work sa tulad ni Kris na aminado—if not guilty—to it. Ipinagbubunyi pa nga marahil ito ni Kris dahil tinutulungan pa nga siya, in fact, ni Mocha in promoting her balik-Star Cinema movie.

Yes, Mocha is actually doing Kris a big favor! And yes, free of charge!

q q q

Ipinagdiriwang pa rin ng Celebrity Bluff ang kanilang month-long anniversary ngayong Sabado.
Tonight being the third part sa matagumpay nitong pagbabalik sa ere last year, ang rap group na Ex-Batallion (we apologize for last week’s item on the lineup of celebrity players) ang bibida mamayang gabi.

Tulad ng alam ng lahat, this group has become every millennial’s favorite (dahil we’re no longer one, we’re not patronizing of their music). Bugbog nga ang kanilang mga kanta on the air waves.

Ang other side naman ng Ex-Batallion ang masasaksihan natin. No doubt, they’re tops in hip-hop music pero pagdating kaya sa mga mentally challenging na game show like Celebrity Bluff ay may ibubuga rin kaya ang mga miyembro nito?

At ano naman kaya ang tips na ibinigay sa kanila ng kanilang manager na si Ai Ai delas Alas?
Or was it her husband Gerald Sibayan na pasok pa rin sa milenyal ang nag-coach sa kanila in anticipation na baka may mga maligaw na tanong about sports?

Sige, mga Ex-Batallion boys, prove us wrong sa aming iniisip that there’s nothing more to your kind of music. Na kahit para sa amin (para sa amin lang, ha?), your music is one that jars the senses.

Na kahit we’re no fan ay mapapahanga n’yo kami dahil street-smart din pala kayo.

Read more...