Rayver malapit nang tsugihin sa Bagani ng ABS

RAYVER CRUZ

PAPATAYIN na ba si Rayver Cruz sa Bagani matapos magpaalam sa ABS-CBN at sa Star Magic?

Kaya namin ito naitanong ay dahil ipinakita sa umereng episode ng Bagani nitong Huwebes na kinuha ni Kidlat (Rayver) ang punyal na sandata ni Sarimaw (Ryan Eigenmann), kapag kasi hinawakan ito ay magiging kampon ka na ng huli.

Ganito rin ang nangyari kay Aiko Melendez bilang si Matadora na naging tauhan na ni Sarimaw at inutusang sugpuin ang lahat ng kaaway, kabilang na ang mga bagani pero sa kasamaang palad ay tinalo siya ni Matteo Guidicelli (Lakam) kaya tsugi na ang aktres sa epic serye ng ABS-CBN.

Sa ipinakitang episode ng Bagani ay hawak-hawak ni Kidlat ang punyal at nilalabanan sina Lakam, Dumakulem (Makisig Morales) at Liksi (Zaijian Jaranilla).

Nagtataka naman si Gloria kung paano napunta kay Kidlat ang punyal ni Sarimaw at saka lang niya naisip na kinuha ito sa taguan na matagal na nilang ibinaon sa lupa.

Samantala, trending naman ang labanan nina Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano) para maibalik ang lakas ng binata dahil sa pagkakakulong sa Dako Pa Roon.

Curious kami kung kakampi ba talaga o kalaban si Malaya (Kristine Hermosa) nina Lakas at Ganda dahil parang ginagamit lang niya ang dalawa para makawala sa sumpa ng asawang si Bathala (Raymond Bagatsing).

Anyway, ayon sa taga-production ng Bagani kung papatayin na si Rayver sa serye, “As of now ay wala pa pong inilalatag.”

Pero duda namin ay ilang araw na lang mapapanood si Kidlat sa Bagani.

Read more...