Ice Seguerra gustung-gusto nang sumailalim sa sexual reassignment surgery: Pero may risk

MARAMING kailangang isaalang-alang si Ice Seguerra bago sumailalim sa sexual reassignment surgery, o ang pagpapalit ng kanyang kasarian.

Ayon sa award-winning singer-performer, gusto niya itong gawin para maging buo at kumpleto na ang kanyang pagiging “lalaki”.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, unang ipinaliwanag ni Ice kung bakit nagdesisyon na siyang palitan ang pangalan niya from Aiza Seguerra, “As time goes by, alam mo ‘yung pag tinatawag kang Aiza parang iba na, hindi na ikaw yun.

“I’ve always responded well to Ice kasi yun naman yung nickname ko sa school, sa barkada. Sabi ko I’ll just use that kasi mas comfortable na ako na Ice. Kasi Aiza naalala ko, naka-pigtails and everything. Siguro, it’s part of really embracing my identity,” sagot ng asawa ni Film Development Council of the Philippines chairperson Liza Dino.

Ito naman ang tugon ni Ice tungkol sa pag-undergo ng sexual reassignment surgery, “I’ll be very honest. Nu’ng una nandu’n din ako sa parang, bakit kailangan. Pero sometimes, especially nu’ng nag-come out na ako as trans. It’s so hard to wake up everyday, seeing that you’re in this body, and alam mo yung pakiramdam na hindi naman ito dapat yun.”

Nu’ng una hindi rin daw maintindihan ni Liza kung bakit kailangan pa itong gawin ni Ice, “Tinatanggap naman kita e. For me, you’re a man.” Pero para kay Ice, “It’s not about that. I mean I thank you for accepting me. But the problem is me accepting me.”

Dugtong pa niya, “Nasa transitioning pa lang, nasa hormone replacement ganyan.”

Narito naman ang mga kailangang i-consider ng singer-performer bago tuluyang papalitan ang kanyang gender, “Pinakamalaking issue talaga diyan is yung boses. People love what they hear sa akin. It’s a big risk. This is my bread and butter. I feed my family sa pagkanta ko e.

Siguro naman yung ganda ng boses hindi mag-iiba, bababa siya ng konti and all those things.”
“Tapos of course, yung health aspect naman. I’m just happy the first gender diversity center opened, so at least may doctors na to talk to about this. Maybe that’s the first step,” aniya pa.

Diretso namang sinagot ni Ice ang tanong ni Boy Abunda kung , 100 percent ba siyang faithful kay Liza, “Loyal and devoted. If there’s one thing na natupad sa mga pangarap ko, that is to really have a person na mamahalin ko habang buhay.”

Tuloy pa rin daw ang plano nilang mag-asawa na magkaroon ng sariling baby through In Vitro Fertilization, “At least one. Plano talaga namin mag-IVF. So iha-harvest yung eggs ko, tapos kapag na-inseminate na siya ng sperm ng sperm donor, ipa-plant kay Liza so hopefully makabuo.”

“It takes time. Hopefully next year, makaipon,” dagdag pa niya.

Read more...