Edward Barber pasok sa pelikula nina Aga at Bea

NA-EXCITE ang MayWard fans nang malamang makakasama na si Edward Barber sa pelikula nina Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Edward ang litrato nila ni Aga habang naghahanda sa kanilang eksena. Sa Canada nagsu-shooting ang mga bida ng nasabing Star Cinema movie sa direksyon ni Paul Soriano. Nilagyan niya ito ng caption na: “Amongst all the chaos, beauty always emerges in the end. That’s what making a movie is. ‘AAAAAAAND CUT.'”

May nagtanong naman kay Aga sa pamamagitan rin ng Instagram kung ano ang masasabi niya kay Edward bilang co-actor sa bago niyang pelikula. Sagot ng award-winning actor, “He’s very nice. Happy to have worked with him.”

Nangako naman ang MayWard fans na susuportahan nila ang pelikula ni Edward with Aga and Bea kahit hindi pa sigurado kung makakasama rin sa movie ang ka-loveteam ng binata na si Maymay Entrata.

Read more...