MAGANDANG araw po ma’am. Tanong ko lang po sana kung may karapatan po bang mag-reklamo ang asawa ko kasi mahigit 13 years na po siya nagtatrabaho bilang delivery personnel ng Pepsi Cola. Wala po siyang SSS, Philhealth, 13th month or kahit ano pong benefits at hindi rin po nagbi-bigay ng payslip ang amo nila.
Ano po kaya ang pwede naming gawin? Maraming salamat po.
Ms. Melanie
REPLY: Ito ay tungkol sa reklamo ni Melanie sa kumpanya ng kanyang asawa na aniya’y hindi nagre-remit ng kontribusyon sa SSS.
Iminumungkahi namin na maghain ng non-remittance complaint ang kanyang mister laban sa employer nito.
Maaaring magtungo ang kanyang asawa sa pinakamalapit na SSS branch para maimbestigahan ang nasabing kumpanya. Dapat magdala ang kanyang asawa ng payslip at company ID o anumang katibayan ng kanyang pagtatrabaho sa kumpanya.
Hindi siya dapat matakot na maghain ng reklamo laban sa kanyang employer sapagkat mayroong rule on anonymity ang SSS kung saan hindi ibubunyag ang pangalan ng nagrereklamong miyembro.
Kung makitaan ng paglabag ang inirereklamong kumpanya sa mga responsibilidad nito sa SSS, sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 28(e) ng Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997 at pagbabayarin ng kanilang obligasyon sa SSS. Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.