Nadine may pelikula tungkol sa ‘Self Love’

NADINE LUSTRE

SHELVED na muna ang movie ni Nadine Lustre na “The Nurse” ayon sa direktor sana nitong si Jun Lana.

Sa interview ng premyadong direktor, napagod na rin siya sa pabalik-balik niyang biyahe sa Japan para humanap ng location tapos, wala ring maibigay na schedule sa shooting.

Kaya naman lumutang bigla ang pagsosolo ni Nads sa pelikulang “Ulan” na nagkaroon na ng story conference nitong nakaraang mga araw. Yes, walang James Reid siyang kapareha sa movie, sa halip ay sina Xian Lim, Marco Gumabao at AJ Muhlach ang makakasama niya, huh!

Ang panalo pa sa pelikula, ang latest box-office director na si Irene Villamor ang mas magpapatingkad sa pagiging aktres ni Nadine. Malapit din sa puso ng Multi-Media Princess ang tema ng movie na tungkol sa self-love.

Kung may “Pedro Penduko” si James, meron namang “Ulan” si Nadine, so it’s a tie lang sa isa sa hottest loveteams ng showbiz.

Read more...