Kris pinadadali ang trabaho ng mga showbiz reporter

KRIS AQUINO

Ibang klase talaga si Kris Aquino. Kapag nagsimula na siyang maglitanya ay siguradong makukuha niya ang atensiyon ng publiko. Nakakatakot siyang kasabay sa presscon dahil siguradong maaangkin niya ang tanungan-sagutan.

Naiinis nga sa kanya ngayon ang mga tagasuporta ng JoshLia loveteam dahil hindi nag-trending ang presscon ng kanilang pelikula na kasama si Kris.

Naging “guests” lang kasi ng aktres-TV host sina Joshua Garcia at Julia Barretto, si Kris pa rin ang kumopo ng entablado, hindi ang magka-loveteam.

Ano ang magagawa nila? Pagkatapos nang mahigit na dalawang taon ng kawalan ng show ay ngayon lang uli nakahawak ng mikropono si Kris? Sabik na sabik din sa kanya ang mga reporters, kaya siya lang palagi ang tinatanong, habang himas lang nang himas si Joshua sa braso ng giniginaw nitong ka-loveteam?

Regalo ng kapalaran kay Kris ang kapasidad na kapag nagsasalita na siya ay nakapokus na ang atensiyon ng mga nakikinig sa kanya. Halos walang pumipikit, tutok na tutok lang sa kanyang mga sinasabi, hawak ni Kris Aquino ang ganu’ng karisma.

Malasa kasi ang kanyang mga sinasabi, may saysay, kahit pataklesa pa niyang binibitiwan. Masarap siyang interbyuhin dahil pinadadali niya ang trabaho ng mga reporters.
Sa totoong-totoo lang!

Read more...