SA halip na galit ay nakaramdam ng pagkaawa ang ating mga kababayan sa isang dating male broadcaster na wala nang programa ngayon.
Hindi na siya napapanood sa telebisyon, wala na rin siyang programa sa radyo, kaya ang kanyang mga reaksiyon-opinyon ay inilalabas niya na lang sa kanyang FB account.
Punumpuno ng pakla at pait ang mga ipino-post ng may edad nang dating broadcaster, pintas dito-pintas du’n ang ginagawa niya sa mga nakaposisyong magagaling na broadcaster ngayon, halatang-halata ang kanyang galit sa mundo.
Kuwento ng isang source tungkol sa dating broadcaster na simpait ng ampalayang ligaw ang damdamin ngayon, “Nakakaawa naman siya. Imagine, sino ba ang mag-aakala na darating pala siya sa ganyang point na wala nang kumukuha sa kanya para umere sa kanilang station?
“Aba, dati siyang sikat na broadcaster, marami siyang shows, may sarili siyang radio program, iba pa ‘yung pinagsamahan nila ng dati niyang karelasyong female broadcaster, di ba?
“Anyare? Bakit para siyang pinagtampuhan ng kapalaran? Magaling pala siya, e, bakit wala nang kumukuha sa serbisyo niya? Panay-panay ang pintas niya sa magagaling na broadcaster-journalist ngayon, wala raw silang alam, mga bastos daw sila at walang breeding at mababaw lang naman ang alam tungkol sa maraming issue!
“E, bakit ang galing-galing pala niya, e, bakit wala siyang show? Bakit hanggang FB na lang siya? Marami siyang kiyaw-kiyaw, pintas siya nang pintas, inggit lang ang dahilan nu’n!
“Sabi siguro niya sa sarili niya, e, bakit may mga show ang mga taong bobo pala at walang depth, pero siya na napakagaling kuno, e, walang show kahit sa ilalim lang ng punong sampalok?” mahabang chika ng aming impormante.
Lalo tuloy lumulutang ang insekuridad at inggit ng matanda nang broadcaster, wala siyang pinupuri, para sa kanya ay mabababaw lang ang lahat ng mga broadcast journalist na nakaposisyon at namamayagpag ngayon.
Huling sultada ng aming source, “Naku, ‘no! ‘Yung partner niya, e, nand’yan pa rin, pero siya, anyare?
Magdasal na lang siya nang beinte kuwatro oras!”
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, knows n’yo nang sigurado kung sino ang negatron na dating broadcaster na ito!