Ipinagtanggol ni Bianca Gonzalez ang kanyang kaibigan na si Mariel Rodriguez laban sa mga netizens na puro kanegahan ang ipino-post sa social media mula nang bumalik sa Showtime ang misis ni Robin Padilla.
Halos dalawang taong hindi napanood sa telebisyon si Mariel matapos unahin ang pag-aalaga sa anak nila ni Binoe at excited si Bianca pati na rin ang iba pa nilang mga kaibigang taga-showbiz sa kanyang pagbabalik.
Nag-post si Bianca ng litrato nila ni Mariel sa Instagram na kuha nang muli silang magkita sa ABS-CBN studio.
Caption ng TV host sa nasabing IG photo: “I am so happy to be here LIVE for your first day back at work!! So proud of you, @marieltpadilla!! Love you!!”
Isang basher ang nambasag sa pampa-good vibes ni Bianca sa kanyang kaibigan at nagkomento ng, “Ngek, sa palagay mo sya ang magpapataas ng ratings ng its showtime marami ngang tao na di sya gusto e just saying.”
Isang follower ni Bianca ang agad dumepensa kay Mariel at nagsabing, “Wala naman sinasabi ang madlang pipol na si mariel ang magpapataas ng rating ng showtime. Winewelcome lang si mariel. ang hard mo naman ateng. Bat ikaw ba sa tingin mo lahat ng tao sa paligid mo gusto ka.”
Um-agree si Bianca sa sinabi ng netizen at nagsabing, “Ganda ng sagot. #realtalk (burn and clapping emojis).”
Narito naman ang resbak ni Bianca sa hater ni Mariel, “GUUUUURL ang dami ko nang nagawang work, errands, at quality time sa family, nandito ka pa rin after 13 hours! I am sure madaming mas importanteng pagtuunan ng atensyon, energy, at focus mo.
“Use all that passion to be more productive with things you want to do in your life! Kaya mo yan girl!” hirit pa ni Bianca.