ISA sa mga dahilan kung bakit gustung-gustong makatrabaho ng Queen of All Media na si Kris Aquino si Alden Richards ay dahil nais daw niyang ma-experience nang personal ang husay nito bilang aktor.
Sa nakaraang presscon ng comeback movie niyang “I Love You, Hater” walang kaabug-abog na pinili niya si Alden kesa sa co-star niya sa kanyang pelikula na si Joshua Garcia.
Ayon kay Tetay, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya malimutan ang ipinakitang akting ng Pambansang Bae sa documentary-drama na Alaala: A Martial Law Special na ipinalabas sa GMA noong September, 2017.
“Nabilib ako because of that martial law special. I watched it because I was given a copy by Direk Adolf (Alix, Jr.). Galing na galing talaga ako sa kanya,” sey ni Kris.
Hirit pa ng Social Media Queen, “Sorry, may weakness talaga ako sa dimples. All of my children have, may dimples sila, and ang kinis niya. Siguro gugustuhin mo kung ano yung mayroon ka. Hindi naman sa sinasabi ko na ano, pero feeling ko, kasing kinis ko siya. And na-cute-an lang talaga ako sa kanya. He’s just really cute. As babaw as that, he is cute!”
Pero ang pinakabumilib siya kay Alden ay ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya, “Feeling ko rin kasi, kapag nakikita mo rin kasi kung gaano kabait sa family, it has an effect on me. Alam ko kasi because friends ko yung mga taga-Laguna, who are in the LGU there, so I know what their life has been like and what he went through to get to where he is.”