Manga itatampok si Jose Rizal kasabay ng paggunita ng kanyang ika-157 kapanganakan

KASABAY ng paggunita ng ika-157 na kapanganakan ng pambansang bayani na si Jose Rizal, nakatakdang ilabas ngayong araw ang isang Japanese comics kung saan makikita ang kwento at buhay ng ating pambansang bayani.

Ginugunita ngayong araw, Hunyo 19, ang ika-157 kapanganakan ni Rizal.

Ayon sa publisher nito na TORICO, naging inspirasyon nila ang nakatayong estatwa ng bayani sa Habiyi Park, Tokyo. Nagpasya si Takuro Ando, TORICO company representative, na pag-aralan ang bayani pati na rin ang impluwensyang naidulot nito sa kanilang bansa upang mas maibahagi sa iba pang mambabasa si Rizal bilang bahagi ng kasaysayan.

Maaaring mabasa ang nasabing manga sa ilang site tulad ng manga.club at sukima.me ng libre sa wikang English at Japanese. Binabalak din ng publisher na isalin ang komiks sa wikang Filipino.

Samantala, ilang mga netizen ang nagbigay suporta sa nasabing manga tulad nina @GOAT_MVP, “Wow!Nice”. Ang ilan naman ay namangha at nagbigay rin ng suporta upang gawin itong anime.

Ang nasabing manga ay inaasahang maglalabas ng 100-pages na nakatakdang ilabas tuwing Martes simula ngayong araw.

Read more...