BINIGYAN ni Kris Aquino ng tribute ang kanyang amang pinatay na si former Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong Father’s Day.
Nag-live sa Instagram si Kris at pinatutsadahan niya ang kanilang detractors.
“Happy Father’s Day to my dad who is in heaven. And more than that, Happy Father’s Day also to my mom kasi siya talaga tumayo na nanay at tatay, hindi dahil ginusto niya pero kasi napilitan siya. Pero hindi siya umatras, hindi siya sumuko. And sana, ‘yun ang makuha niyong mensahe galing sa akin.
“Marami tayong haharapin, there are so many instances that all of us will go through – suffering. All of us will go through persecution. All of us would feel inapakan tayo, pero ang mom ko bumangon. And more importantly, nanalo.
“At uulitin ko ‘to, ha, sa lahat ng naninira sa nanay ko.
“Never kaming umalis. I lost count na nga, eh, if it was seven or eight coup attempts. Binabaril ang bahay namin. Alalang-alala ko ‘to kasi narinig ko sa radyo. Sinasabi na ‘’wag na kayong magpaputok kasi konti na lang ang bala natin.’
“Those are things that I was never allowed to talk about before but now I can talk about it and my mom stood her ground. I am who I am because of the sacrifice my dad gave and because of the strength my mom showed.
“Sasabihin ko ‘yan in Filipino. Naging Kris Aquino ako dahil nagsakripisyo si Ninoy Aquino pero nanindigan si Cory.
“Uulitin ko, ha, sa lahat ng galit sa amin, go ahead. Lahat ng ibabato sa amin, go ahead.
“Taas noo ko kayang sabihin sa inyo, hindi kami umalis. ‘Di kami duwag. Kung kayo, matapang lang sa social media, eh kami harapan…Nabaril na. Ilang beses binaril, pero nakatayo pa rin at nandito. Namatayan kami, si Noy nabaril, kami ilang beses. Naduwag ba kami? Hindi.
“So, Happy Father’s Day, dad. You raised good children because you gave us the courage to be Filipinos,” say pa ni Kris.
Oo nga naman. Matapang lang sa social media ang mga bashers ni Kris pero ang bobobo naman.
Most of her bashers are lowlife idiots whose mundane existence are cringe-worthy.
Halos lahat naman ng namba-bash kay Kris ay mga walang modo, walang pinag-aralan or kung meron man ay mga maledukado.
Nagbuwis ng buhay ang father ni Kris, meron bang nagbuwis ng buhay sa kanyang mga detractors? Parang wala naman. Ang alam lang nila ay mambastos sa social media, ganoon sila pinalaki ng kanilang mga ina.