HINDI pa handang makipag-ayos si Bimby sa kanyang tatay na si James Yap. Halos isang oras daw umiyak ang bunsong anak ni Kris Aquino nang subukin nitong magbigay ng Father’s Day message sa kanyang ama.
Nagkaroon ng mother and son conversation sina Kris at Bimby sa pamamagitan ng Facebook Live video last Sunday bilang bahagi ng kanilang Father’s Day celebration.
Dito ibinalita ng Social Media Queen na ni-request niya sa anak kung gusto niyang gumawa ng video para batiin si James.
Unang pahayag ni Tetay sa anak, “When the time comes you are actually ready, please don’t ever feel na si Mama ang nagpi-prevent sa iyo. Don’t feel na I’m the one, ha? Na it’s out of loyalty for me or anything like that, because your Mama is ready.”
Dagdag pa ni Kris, nang bumalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang kabataan ay naisip din niya ang relasyon ngayon ni Bimby sa tatay ito. Aniya kay Bimb, “For your Mama, I’m OK. And for your Mama, I had to do a lot of reckoning. I had to realize that you’re lucky you have a dad alive.
“It’s up to him now. I hope that he will reach out. But I’m also not gonna force you to be the one to reach out, OK?” aniya pa.
“Ultimately, mabigat mabuhay na may bitbit ka ng sama ng loob. So I was asking you (Bimby) if we could do something privately, a Father’s Day video that I wanted to send your dad. I knew you did it because I asked you because I really want peace. But I also saw how much you couldn’t handle it after.
“So it will come, okay? And that was my proudest moment because you tried. As far as Mama is concerned, the very fact you tried is more than enough,” chika pa ni Kris kay Bimby.
Naramdaman ng Social Media Queen na hindi pa talaga handa si Bimby na makipagbati kay James nang mapaiyak ito pagkatapos gawin ang video message, “That’s why Mama took it upon herself. Hindi pa tayo handa. Or hindi ka pa handa. So I’ll give you that. You deserve that.”
“I’m telling you. I’m not forcing you. Sinasabi ko sa iyo na na-realize ng mama mo yun. Maraming natutunan ang mama mo this whole month that passed,” hirit pa ni Tetay.
Aminado si Kris na mahirap ang magpatawad, pero na-realize raw niya habang ginagawa ang comeback movie niyang “I Love You, Hater” na, “I’ve been doing this movie and there are certain things in that movie, there was a line there na na-affect po talaga ako. My proudest moment for you is that I said to you, ‘How could I effectively deliver those lines if I can’t make it true in my heart, right?’
“There was a message there about forgiveness, about doing forgiveness not because you’re doing it for another person but you’re doing it for yourself because it’s a gift,” aniya pa.
Mensahe naman niya para sa mga married couples, hangga’t may love and respect pa sa pagitan ng mag-asawa separation should be the last option,”Kung kaya pang ayusin at meron pang love na natitira, but more than that, kung may respeto pa, fix it while you still can.
“It’s not easy. And our children deserve talaga na there are two parents. You’ll do that because you love your kids. If it cannot work, strive for peace,” pahayag pa ng aktres.
Hirit pa ni Kris, “Siguro mahirap talaga. Kasi, di ba, nakaka-yuck naman talaga minsan ang dami mong pinagdaanan, marami na kayong nasabi sa isa’t isa? Pero if you love your kids, then you’ll try your best.”
q q q
Sa Facebook Live session pa rin ni Kris last Sunday, may mga pagkakataon pa rin daw na napag-iisip siya kung ano ang naging buhay niya ngayon kung iba ang naging desisyon niya nitong mga nakaraang taon.
May isang tao raw siyang sinabihan noon na handa niyang isakripisyo ang lahat kapalit ng kanilang kaligayahan.
“I have always been filled with pride kasi feeling ko, pinaghirapan ko itong lahat, especially now kasi there was no brother backing me up, there was no network backing me up. This was built from the ground up.
“There was a person na sinabihan ko, ‘Para sa ‘yo, ibibigay ko, isusuko ang mga kontratang ‘yan, bahala na.’ Kasi bawal sa mga kontratang ‘yan to be conjugal with a politician,” pag-amin ni Kris.
Ang paniwala naman ng mga followers ni Kris ay si Herbert Bautista pa rin ang kanyang tinutukoy.