Jerald, Pepe susubuking makuha ang swerte ni Empoy

NAGSISILBING inspirasyon pa rin para sa ilang celebrities ang tambalan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi sa blockbuster movie nilang “Kita Kita”.

Kaya naman may mga producers nang sumusugal din sa mga tambalang matatawag na “odd loveteam.” Ito ‘yung hindi masyadong kaguwapuhan ang bidang lalaki habang ang bidang babae naman ay maganda.

Nariyan ang bagong movie na “The Write Moment” na pinagbibidahan nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro. Of course, contrast na contrast ang hitsura ng dalawa kung pagbabasehan ang pisikal nilang anyo!

Ang Regal Entertainment naman, susugal sa tambalan nina Ritz Azul at Pepe Herrera para sa pelikulang “Hopeful Romantics.” Isang unlikely pair din sila kung tutuusin lalo na’t nasanay na ang mga manonood na guwapo ang bidang lalaki at maganda rin ang bidang babae.

Eh, kung kapos man sa kagandahang lalaki sina Jerald at Pepe, umaapaw naman ang talento nila sa pag-arte.

Read more...