“They will take it down because it was fake news,” sabi ni Sotto nang tanungin kung magsasampa siya ng kasong libel, sakaling hindi aprubahan ang kanyang sulat.
Iginiit naman ni INQUIRER.net publisher at editor in chief Abel Ulanday na “there has been no decision yet on the request.”
Kamakailan, ipinost sa kanyang Facebook ng US-based columnist na si Rodel Rodis ang kopya ng mga sulat ni Sotto kung saan hiniling niya sa INQUIRER.net na tanggalin ang kanyang mga kolum na may pamagat na “The Rape of Pepsi Paloma” at “Was Pepsi Paloma Murdered?”
Bukod dito, nais din ni Sotto na tanggalin ang isang artikulo na may pamagat na “Tito Sotto denies Whitewashing Pepsi Paloma Rape Case.”
Nang tanungin naman si Sotto kung ginagamit niya ang kanyang posisyon bilang Senate President para i-buly ang Inquirer, pagalit na isinara ang pintuan ng kanyang kotse at sumagot sa bintana ng kotse ng “Ask the Inquirer if I was bullying them.”
Ginawa ni Sotto ang kanyang sulat ilang araw matapos siyang umupo bilang Senate President.
“Ibig mong sabihin kapag sinabi ko ‘yung mga taong naninira, binabayaran, freedom of the press ‘yun?” sabi ni Sotto.
Kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines ang aksyon ni Sotto sa pagsasabing ito ay “brazen attempt to suppress freedom of the press and of expression by asking online news portal Inquirer.net to take down three stories about him from its site.”