Magnitude 4.8 lindol naramdaman sa Batanes

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.8 ang yumanig sa Batanes ngayong hapon.

Naramdaman ang lindol ala-1:22 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang sentro nito ay 73 kilometro sa silangan ng Sabtang at may lalim na 37 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Basco, Batanes.

Ang instrumento ng Phivolcs ay nakapagtalaga naman ng Intensity III sa kaparehong bayan.

Read more...