Hindi naman makakapiling ni Nadine Lustre ang kanyang tatay ngayong Father’s day dahil kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas mula sa pagbabakasyon sa Amerika.
Naiwan pa sa US ang kanyang pamilya para sa ilang araw pang pamamasyal. Pero aniya, may regalo na siya para kay Tatay Ulyses.
“My dad is probably the strongest person that I know. A lot has happened last year and I’m just really happy that siya yung anchor namin. So siya talaga yung humahawak sa aming lahat na hindi kami basta-basta maggi-give up. Siya yung nagpapasaya sa amin all the time. He is amazing,” mensahe ni Nadine sa ama.
MOST READ
LATEST STORIES