Dingdong takot na takot sa daga; ikinumpara ang sarili sa agila
MR. EARTH ang peg ni Dingdong Dantes sa bago niyang infotainment program sa GMA 7 na Amazing Earth.
Hindi lamang mga extraordinary at exceptional “wildlife” sa buong mundo ang tatalakayin dito, kundi lilibutin din ni Dingdong ang iba’t ibang panig ng bansa para ipakita ang mga tagong-yaman ng Pilipinas.
Aakyat ng bundok, tatawid sa ilog, sisisid sa dagat, gagalugarin ang mga kabukiran at kapatagan at makikipag-interact sa mga hayop si Dong sa Amazing Earth.
Mga usapin tungkol sa biodiversity, eco-tourism, conservation at iba pang concerns sa kapaligiran ang magiging buod ng show na magsisimula na ngayong araw (June 17).
Lahat daw ay susubukang gawin ni Dingdong para sa show na ito dahil isa ring adbokasiya ang kanilang programa, pero nang itanong kung ano ang kinatatakutan niyang hayop ay mabilis itong sumagot ng, “Daga!”
“Makikiusap ako sa mga boss natin sa GMA kapag nangyari iyan, (maka-encounter ng daga)” ang natatawa nitong sagot.
Eh, paano nga kung merong episode ang show na kailangang talakayin niya ang mga “pesteng daga” na madalas ay problema ng mga magsasaka bilang salot sa kanilang kabuhayan? Hmmm, ‘yan ang dapat nating abangan. At dahil “agila” naman ang hayop na maikukumpara ni Dong sa kanyang katauhan, tiyak naming haharapin nito ang isyu ng buong giting.
“Masaya ako kasi while doing this, I realized how it teaches me the value of respect—for the people, the animals and our planet. In the complexities of this current world, we should all find this balance wherein we could all co-exist and live as how we were all designed,” hirit pa nito.
Si Rico Gutierrez ang direktor ng Amazing Earth na tiyak lalong magpapalakas ng karakter at personalidad ni Dingdong na noon pa inaawitang pasukin na rin ang mundo ng politika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.