Gerald, Andre nagpakitang-gilas agad sa unang pagsabak sa MPBL; tinilian ng fans

HINDI solo ni Gerald Anderson ang tilian ng manonood ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) dahil kabilang din sa mga celebrity players si Andre Paras although magkaiba sila ng team na sinalihan.

Nasa Team Marikina si Gerald at nagpakitang-gilas siya sa paglalalaro nu’ng manalo sila sa opening day laban sa General Santos team last last June 12. Siyempre, tilian ang kababaihan sa kanya.

Si Andre naman, kasama sa Team Imus Bandera at nagsimula nang maglaro last Thursday. Gaya ni Gerald, panay rin ang tilian ng audience sa Kapuso actor tuwing nakakahawak ng bola.

Pero bago pinasok ang showbiz, naglaro si Andre sa La Salle Greenhills nu’ng high school days niya. Then lumipat siya sa University of the Philippines at naging player ng unibersidad.

Siyempre, kaabang-abang ang sagupaang Gerald versus Andre sa basketball court kung sakaling maghaharap ang kani-kanyang team.

Read more...