6 na bukol tinanggal sa dibdib ni Thea

HINDI cancerous ang mga bukol na tinanggal sa dibdib ng Kapuso actress na si Thea Tolentino.

Ikinuwento ng dalaga sa Tunay Na Buhay ang ginawang operasyon sa kanya, “Sa ultrasound kasi nakalagay, limang solid, ‘yung laman lang talaga. And isang cyst, ‘yung may water yata ‘yun.”

Chill lang daw si Thea nang malaman niyang may anim na bukol na kailangang tanggalin sa kanyang breast, “Kinakalma ko lang ‘yung sarili ko. Actually nu’ng operation nga po, ‘yung nanay ko ‘yung kinakabahan.

“Ang in-advise po sa akin nu’ng una akong tinanggalan is bawasan ko talaga ‘yung processed foods. And ‘pag matutulog, ‘yung phones natin ‘wag malapit sa katawan natin. Nakaka-cause rin siya, ‘yung radiation,” ang pahayag pa ni Thea.

Read more...