Kris biglang na-high blood pagkatapos ng mabibigat na eksena sa ‘I love you hater’

PASAWAY ang blood pressure ni Kris Aquino dahil taas-baba pa rin ito.

Tulad nitong nakaraang Miyerkules, maaga siyang pinauwi mula sa shooting ng “I Love You, Hater” dahil tumaas bigla ang kanyang BP sanhi ng mga mabibigat na eksenang ipinagawa sa kanya.

Nag-alala ang mga taga-produksyon ng pelikula kaya pinauwi na nila si Kris bandang 8 p.m. at pagdating ng bahay ay diretso na itong natulog hanggang kinabukasan na inabot pa ng gabi.

Nakapagpahinga nang husto ang Queen of Online World at Social Media buong araw ng Huwebes kaya naman ang ganda ng gising niya kahapon, Biyernes para sa maagang call time sa shooting.

Nakapag-post pa nga siya ng, “Early call- getting ready for shooting. I don’t take for granted all I’ve been blessed with yesterday the newest box office director @ayrin personally gave me 2 of her books.

“Sid & Aya is now a certified blockbuster & I’m definitely watching tomorrow. I cannot wait to see why my friends & co-workers have been RAVING about the performances of @dongdantes & @annecurtissmith. We met w/ @visionerickson & @nix722 for a brainstorming merienda.

“The scenes from I Love You Hater I shot Wednesday w/ @garciajoshuae (Joshua Garcia) & tito Ronaldo Valdez were so emotionally raw for me that unfortunately my BP reached 160/120- if you watch our movie on July 11 you will most likely understand why. Have a peaceful long weekend ahead of you,” pahayag ni Kris sa kanyang IG post.

Pero bandang 1 p.m. kahapon ay bumagsak naman ang blood pressure ni Kris kaya kailangan uli niyang magpahinga at matulog.

Nag-post uli si Kris ng litrato sa IG kung saan makikita si Bimby na nagbabantay sa kanya.
Kuha ito ng kanyang staff na si Jack Salvador. May caption ito na, “After a high BP episode, w/ all the medication to normalize my BP, there are a couple of days that my BP drops & I am weak. People who’ve worked w/ me know I normally don’t nap when on set & I just read during breaks or lighting/camera setup.

“But today- physically low batt talaga. It took this guy to wake me up for our reverse shot. Dinedma ko lahat but si Bimb ang secret weapon nila to make me do anything & everything. He volunteered to make bantay today. I am blessed because of him i truly feel #loved.”

q q q

Samantala, makalipas ang halos tatlong taon muling dadalo si Kris sa presscon para sa isang pelikula ng Star Cinema at muling makakapasok sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngaong darating na Lunes.

Ito’y para sa comeback movie niyang “I Love You, Hater” kasama sina Joshua Garcia at Julia Barreto.

Huling humarap si Kris sa entertainment media sa presscon ng “All You Need Is Pag-Ibig” noong 2015 kasama sina Derek Ramsay, Ian Veneracion, Xian Lim, Jodi Sta. Maria at Pokwang na idinirek ni Antoinette Jadaone mula rin sa Star Cinema.

Malamang magsenti si Kris sa Lunes dahil tiyak na maaalala niya ang huli niyang pagtapak sa Dolphy Theater.

Tiyak din na magsasaya ang lahat ng dadalo sa presscon dahil marami na naman silang kuwentong maririnig mula kay Kris lalo na kapag napag-usapan na ang JoshLia. Siguradong marami siyang ibubuking tungkol sa magka-loveteam on and off screen.

Sa Hulyo 11 na mapapanood ang “I Love You, Hater” mula sa direkson ni Giselle Andres.

Read more...