2 magsasaka patay sa kidlat sa Zamboanga Sibugay

PATAY ang dalawang magsasaka, samantalang sugatan ang isa pa matapos tamaan ng kidlat sa Payao, Zamboanga Sibugay, ayon sa pulisya.

Sinabi ni Police Officer 1 Ahmed Bryan Barrientos na nagtatrabaho sina Ranilo Navarro Sr., 49; Michael Castillo, 27; at Eric dela Cruz, 22, sa kanilang sakahan sa Barangay Bulawan, nang magdesisyong sumilong sa isang kubo ganap na alas-6:30 ng gabi matapos ang malakas na pag-ulan.

Agad na nasawi sina Navarro at Castillo, at sugatan si Dela Cruz, na nagtamo ng mga sunog sa katawan.

Dinala si Dela Cruz sa ospital sa bayan ng Imelda.

Read more...