Pagtawag ng PCOO sa Norway bilang Norwegia nag-viral

NAG-viral ang panibagong wow mali na kinasasangkutan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos namang tawagin ang bansang Norway bilang Norwegia.

Sa post sa Facebook page ng PCOO, mababasa ang isang press release kaugnay ng farewell call ni outgoing Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner kay Pangulong Duterte sa Malacañang Palace noong Hunyo 13.

Pinarangalan ni Duterte si Forner ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu.

“The president conferred the Order of Sikatuna with the rank of Datu to outgoing Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner for his service as the representative of Norwegia,” sabi ni PCOO na may hashtag pa na “#PartnerForChange.”

Bagamat pinalitan na, mabilis naman ang mga netizen na na-screen shot ang pagkakamali ng PCOO at kumalat na sa social media.

“After welcoming the guest from NORWEGIA, they sang our national anthem Bayang Magiliw,” komento ng isang Miguel (@mlizada) sa kanyang Twitter. “They also talked about beautiful places in the country. Such as Mt. Mayon in Naga.”

Nagkomento rin ang aktres na si Chai Fonacier,”THE BEST AND THE BRIGHTEST JUST SAID NORWEGIA HAHAHAHAHA WHAT’S NEXT, CANADIA??!! THE BUHAKHAK OF MY SOUL, MUMSHIEEEEE!!!!”

Read more...