HOROSCOPE June 30, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo ngayon. Umpisahan ang araw sa pagsisimba. Sa ganyang paraan sa pag-ibig at pinansyal, susuwertehin ka. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19) – Disiplinahin ang sarili upang lalo pang umunlad. Sa pag-ibig, wag kang mag hintay ng “ideal love” hindi darating yan! Makipag-relasyon sa isang Sagittarius upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Pabago-bago ang lagay ng panahon kaya uso na naman ang sipon at ubo. Bigyan ng prutas at sariwang gulay ang kasuyo upang hindi siya magkasakit. Sa pinansyal laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang emergency. Mapalad ang 6, 6, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.”  Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Wag magpatalo sa lungkot. Sa pag-ibig kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin mo agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, wag ubusing lahat ang suweldo upang hindi ka malungkot. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Kung naguguluhan ka sa mga nanyayari sa kapaligiran, magpakatatag dahil iyong ang dapat para malagpasan mo ang mga pagsubok. Sa pinansyal, malapit ka ng magkapera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag mag alala mahal ka ng kasuyong Scorpio. Mapalad ang 4, 7, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-  Sa pag-ibig, kung ayaw mong mapaki-alaman wag ding makialam sa iba. Sa pinansyal, wag manggaya ng produkto kailangang madiskubre ang unique na kalakal na magpapayaman sayo. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Orange at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Sa pinansyal, habang nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, habang nagpapakabuti lalong mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” White at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Panahon na upang mag matigas at ipakita ang sariling kagustuhan. Kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang attitude, mas lalo kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om.” Beige at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Ituloy ang mga dati ng nasimulan. Sa pag-iig tuloy ang maligayang relasyon sa isang Cancer. Sa pinansyal ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging  tumingin sa future. Sa pinansyal, darating ang araw makaka-ahon karin sa mga problema. Sa pag-ibig panatiliin  ang pag-ibig sa isang Leo upang magiging maligaya  ang inyong relasyon. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng pamilya ang higit na mas mahalaga.  Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pinansiyal, mag-concentrate sa pagiipon ng pera, iwasan ang gumasta ng gumasta. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Ipagpaliban ang anomang pagbabago! Sa pinansiyal, manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan. Sa pag-ibig, hindi dapat ikonsedera ang maling advice ng mga kaibigan, wag makipag-hiwalay sa kasuyong sumpungin. Mapalad ang 7, 16, 23, 25, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Red at blue ang buenas.

Read more...