Ni Dominic Rea
JED Madela is doing well sa kanyang showbiz career hindi lang bilang isang sikat at world-class singer kundi bilang isang magaling na mentor at jury sa weekly reality show na Your Face Sounds Familiar na napapanood sa Kapamilya Network.
Ganoon din ang pagiging hurado niya sa daily noontime show na It’s Showtime. Sabi ko nga kay Jed, among the hurados sa Showtime, bukod-tanging siya lang naman talaga ang may nilalaman ang pinagsasabi kapag nagbigay ng komento as mga contestants. He always punches straight at walang ka-plastikan!
“I always make it a point Kuya Dom na naide-deliver ko nang tama ang sasabihin ko that will not hurt the contestant directly. I always make it a point na kung anong deserve niyang marinig marinig at makuha sa akin bilang isang hurado ay yun ang maibabato ko sa kanya.
“You have to be honest and siyempre, yung totoo lang. Kung magaling naman talaga ang isang performance, pupurihin naman natin. Pero kapag alam mong medyo shakey ang performance, of course, appreciate it then give a good piece of advice. Hindi biro ang maging hurado, jury or mentor.
“Kasi, napapanood ka sa buong mundo na baka kapag may nasabi kang palpak, naku, ayan na ang bashing and everything! So, you have to be careful,” paglalahad ni Jed nang makausap namin kamakailan.
Isang malaki, bongga at pasabog na concert naman ang magaganap ngayong Nov. 16 para sa 15th anniversary ni Jed Madela sa music industry.
“Something new na hindi pa nila napapanood sa mga past concerts ko ang mapapanood nila this time. May nagawa na kaming concept for that pero may mga inaayos pa rin kami. Exciting ang concert na ito. Medyo nasa concert season ang date natin pero naniniwala akong everything will be great! ” lahad pa nito sa amin.
Samantala, nitong Martes lang ay inumpisahan na ni Jed ang recording session para sa kanyang bagong single under Star Music with Jonathan Manalo. This time ay kasama naman ng award-winning singer sa kanyang single ang boses ng ilang WCOPA singers!
“Yup! Doing great! Excited for the single Kuya Dom! Ibang klase ito! Basta!” aniya pa.