Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-10:59 ng gabi. Ang sentro nito ay 32 kilometro sa timog ng Governor Generoso at may lalim na 144 kilometro.
Posible umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito subalit walang inaasahang pinsala.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Davao City.
Intensity II naman sa Mati, Davao Oriental; Mabini, Compostella Valley; at General Santos City.
May naramdaman naman ang mga instrumento ng Phivolcs na Intensity II sa Alabel, Sarangani; at General Santos City.
Intensity I naman sa Kidapawan City, North Cotabato.
MOST READ
LATEST STORIES