Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapena na ito na ang pinakamalaking smuggling ng bigas na naharang ng bureau mula nang siya ay manungkulan.
Nakapangalan ang mga shipment sa isang Sta. Rosa Farm Products Corp., na walang kaukulang permit mula sa National Food Authority (NFA), ayon kay Lapena.
Ani Lapena, hindi rin nagbayad ng mga kaukulang buwis ang nag-angkat ng mga ito.
Nakatakda namang ipa-auction ang bigas sa loob ng lima hanggang 10 araw, sa tulong ng NFA.
Samantala, sinira rin ng BOC ang
P22 milyong halaga ng smuggled na mga inangkay, kasama na ang mga pekeng sigarilyo, office supplies, clothing at shoes apparel, ayon pa kay Lapena. Inquirer.net