Demokrasya mas gusto ng Pinoy kesa diktaturya

Social Weather Stations

MAS gusto ng mga Pilipino ang demokrasya kaysa sa iba pang klase ng pamahalaan, bagamat may nagsasabi na minsan ay kanais-nais ang pamahalaang diktaturya, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Sa survey noong Marso, 60 porsyento ang nagsabi na “Ang demokrasya ay palaging mas kanais-nais kaysa sa ibang klase ng pamahalaan.” Bumaba ito ng isang porsyento kumpara sa survey noong Hunyo 2017.

Sinabi naman ng 19 porsyento na “Sa mga ilang sitwasyon, ang pamahalaang diktaturya ay mas kanais-nais kaysa sa isang demokratiko.” Hindi ito nagbago sa mas naunang survey.

Ayon naman sa 21 porsyento, “Para sa mga taong katulad ko, walang kabuluhan sa akin kung ang ating pamahalaan ay demokratiko o hindi demokratiko.”

Sa tanong kung nasisiyahan o hindi sa takbo ng demokrasya, sinabi ng 78 porsyento na sila ay nasisiyahan.

Ito ay mas mababa ng dalawang porsyento sa survey noong Hunyo 2017. Noong Setyembre 2016, ang nagsabi na sila ay nasisiyahan ay 86 porsyento.

Ginawa ang survey noong Marso 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents na pawang 18 taong gulang pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3 porsyento.

Read more...