Lorenzana nairita sa insidente sa Scarborough

INAMIN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nairita siya sa ulat na kinukuha ng mga Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal.

Makikitang kausap ni Lorenzana si Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa loob ng Aguinaldo House sa Kawit, Cavite bago magsimula ang programa para sa Araw ng Kalayaan.

Ayon sa ulat, dinuro ni Lorenzana si Zhao habang nag-uusap.

“Siyempre ipakita kong inis din tayo sa mga ganyang pangyayari,” dagdag mo Lorenzana.

Tumanggi naman si Zhao na magkomento hinggil sa kanilang naging diskusyon ni Lorenzana.

“May I say it’s confidential,” sabi ni Zhao.
Sinabi naman ni Lorenzana tinalakay nila ni Zhao ang nangyaring insidente sa Scarborough.
“We discussed about the Filipino fishermen’s complaint na kinukuha ng Chinese Coast Guard ang mga huli nila,” dagdag ni Lorenzana.
Idinagdag ni Lorenzana na tiniyak ni Zhao sa kanya na iniimbestigahan na nila ang insidente.

Read more...