Bagyong Gorio sesentro sa Visayas

TULUYAN nang naging bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Tinawag itong bagyong Gorio at inaasahan na pag-iibayuhin nito ang Hanging Habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro kada oras ang bilis malapit sa gitna. Umuusad ito ng kanluran-hilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.

Itinaas na ng Pagasa ang signal no. 1 sa Northern Samar, Western Samar, Eastern Samar, Dinagat Island at Siargao Island.
Nagbabala ang Pagasa ng posibleng flashflood at landslide sa mga lugar na inilagay sa signal no. 1.

Bukas inaasahan na may layong 320 kilometro ang bagyo sa Maasin, Leyte. Kahapon ang bagyo ay nasa layong 420 kilometro sa Surigao City.

Read more...