Kris nagpaliwanag tungkol sa Hacienda Luisita, killer ni Ninoy


Sinagot ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang isang netizen na nagtanong tungkol sa matagal nang kontrobersiya na bumabalot sa Hacienda Luisita.

Halos 14 na taon na ang nakalilipas nang maganap ang madugong insidente sa Hacienda Luisita habang nagpoprotesta ang ilang manggagawa roon. Pero kahit matagal na itong nangyari, palagi pa rin itong ginagamit ng mga politikong galit at kontra sa mga Aquino.

Sa pakikipagpalitan ng mensahe ni Kris sa kanyang Instagram followers kamakailan, isang netizen na may handle name na @alex_queen17 ang nagtanong muli tungkol dito. Sey ng Social Media Queen, hindi siya nagsalita tungkol sa kontrobersya dahil nirerespeto niya ang kanyang tiyahing si Auntie Passy (Maria Paz Cojuangco-Teopaco). Sinisi rin niya ang isa sa kanyang mga tiyuhin “for mismanaging Hacienda Luisita.”

Sagot ni Tetay sa netizen, “It was bought by my grandparents with their money,” Aquino answered. “But unfortunately mismanaged by my mother’s brother. You asked for my opinion. That’s it.”

Sinundan naman ito ng komento ng isang Jeremy (@heartdad) na sana’y matagal nang nagsalita si Kris tungkol dito para naintindihan agad ng publiko.

Ito ang naging tugon ni Kris, “My favorite aunt was still alive, my auntie Passy. Tearing up while writing this. She was there when i gave birth to kuya Josh. Out of respect for her I shut up. Nasigawan ako nung misis nung uncle na tinutukoy ko dahil tinatawag ko na si Noy dahil manunuod kami ng ‘Little Bossings.’

“Nandun kami dahil sa auntie Passy kahit kailangan sikmurain yung walang ginawa kundi bastusin kami. Auntie Passy is now in heaven w/ my mom. Kaya pwede na akong magsalita,” paliwanag pa ni Kris.

May nagtanong din kay Kris kung sino ba talaga ang pumatay sa tata niya, aniya, “I will categorically say not DANDING COJUANGCO. Kawawa siya because again being used as a convenient scapegoat. My uncle Danding has my lifelong gratitude & respect. #TRUTH.”

Si Danding Cojuangco ay pinsan ni dating Pangulong Cory Aquino.

Hirit pa ni Tetay, “Para mapaalala sa inyong lahat kung bakit ako nasaktan. Dahil hindi pinayagan ang tatay ko na makaapak man lamang sa Tarmac.

“MALOKA ka dahil paulit ulit kong papaalala sa inyo na pinatay si Ninoy Aquino. At kung sa tatay mo ginawa yun – alangan naman hindi ka rin masasaktan?

“Yun ang MALI nila. Ginising nila yung nananahimik na alaala. Akala mo ba matitinag ako?

“MAY KARAPATAN AKONG MAG-POST dahil dugo at laman niya ko na hindi titigil mag paalala sa kahayupan na nagawa sa tatay ko.

“NANANAHIMIK nga, hinahayaan lahat ng batikos—pero pag puso at emosyon na apektuhan, #LABAN.”

Read more...