20% student fare discount gawing batas- Angara

ISINULONG ni Sen. Sonny Angara ang magpasa ng batas para matiyak ang pagpapatupad ng 20 porsiyentong diskwento para sa mga mag-aaral.

“If we want to provide long-term assistance to our students, we need to come up with a law to institutionalize the regulatory policy, which can always be subject to change,” sabi ni Angara.

Sinabi pa ni Angara na walang kasiguruhan na epektibo ang implementasyon ng diskwento para sa mga mag-aaral base lamang sa circular na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

“Ang kailangan natin ay batas para masiguro natin na ang 20-percent discount para sa mga mag-aaral ay mananatili kahit sino pa ang mga nakaupo sa DOTr (Department of Transportation) at LTFRB,” sabi pa ni Angara.

Isinulong ni Angara na madaliin ng Senado ang pagpasa ng kanyang Senate Bill 945, kaugnay ng 20 porsiyentong diskwento sa mga mag-aaral.

Sakop ng panukala hindi lang mga public utility vehicles (PUVs), kundi magiing MRT, LRT, eroplano, at barko.

Read more...