Maine naka-3 taon na sa Bulaga: Mahal ko po ang trabaho ko at nakikita kong dito ako tatanda!


NAKATATLONG taon na pala ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga, no!

Ngayong Hulyo, ipagdiriwang na ni Maine ang kanyang 3rd anniversary sa longest running noontime variety show sa bansa at aminado siya na napakarami nang nagbago sa kanyang buhay mula nang madiskubre siya sa “Sugod Bahay” ng “Juan for All, All for Juan”.

Mula sa mahiyain niyang character bilang Yaya Dub sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga unti-unting nag-evolve ang dalaga at ipinakita sa buong universe ang kanyang natural na pagiging komedyante.

Ayon sa dalaga malaking tulong ang effective on-screen chemistry nila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros upang mas mahasa at mas mapag-igihan pa niya ang kanyang trabaho.

“Nung umpisa, sobrang kinakabahan ako pero buti na lang binigyan nila ako ng sapat na time na ma-absorb ang lahat. Malaking adjustment din yung makasama sa Sugod Bahay team pero hindi nila ako pinabayaan,” kuwento ni Maine.

Mula Lunes hanggang Sabado ay nag-iikot sa iba’t ibang barangay sa Metro Manila at karatig probinsya ang Sugod Bahay team para magbigay saya at papremyo sa mga mapapalad na Dabarkads.

Ayon kay Maine, isang bagong experience sa kanya ang mag-ikot sa buong bansa at mas kilalanin ang loyal viewers ng show. Mahirap ngunit itinuring niyang malaking hamon ito.

“Nanibago ako nu’ng simula kasi hindi naman ako sanay na naglilibot sa iba’t ibang barangay at iba yung environment na alam ko. But eventually nakasanayan ko na rin. Bihira na akong magulat sa mga nakikita at nakakasalamuha namin,” pag-amin ni Meng.

Naging witness sina Wally at Jose sa sipag at dedikasyon na ipinakita ni Maine sa trabaho. Ayon pa sa mga ito natural ang female host sa harap man or likod ng kamera. Nakitaan din nila ito ng kababaang-loob tuwing makikipag-usap sa mga tao.

“Hindi mo maiisip na lumaki siya na iba ang background. Napaka-grounded niya, marunong makisama at game sa kahit na anong hamon na ibigay sa kanya,” kwento ni Jose.

Dagdag ni Wally, laging nakatuon ang atensiyon ng dalaga sa trabaho at sa mga taong makakasalamuha niya.

“Hindi siya takot na subukan yung mga bago lang na konsepto sa kanya at mararamdaman mo na nag-e-enjoy siya, na gusto niya ang ginagawa niya.”

Ibinahagi rin ni Wally na sa isang episode ng Sugod Bahay ay naluha talaga si Maine matapos nilang ma-interview ang winner.

“May isang lalaki na napabayaan na ng kanyang pamilya at nakatira sa napakaliit na bahay lang talaga. Umiyak si Maine sa amin kasi hindi siya makapaniwala na may taong nasa ganu’ng sitwasyon.

“Sa panahon na ganito, maliban sa tulong na hatid namin, nakikinig kami sa mga taong nakikilala namin, at naibabahagi sa manonood. Hahayaan na namin ang audience na mag-draw ng kanilang realizations sa mga taong nakikila namin,” saad ni Wally.

q q q

Binago rin ng Su-god Bahay ang mga pananaw ni Maine sa buhay. Mas pinahahalagahan na niya ngayon ang mga biyayang ibinibigay sa kanya at hindi rin nakakalimot na laging magpasalamat.

“Mahirap talaga ang buhay ng tao. Araw-araw meron kaming nasusugod, ma-interview mo sila at iba’t iba ang istorya. Malalaman mo yung istorya ng buhay at doon mo mari-realize na ang swerte ko kasi pinagpala ako, na yung pamilya ko ay okay sila. Kaya magpapasalamat ka na lang talaga every day sa Diyos na biniyayaan ako, lalo na sa akin na biglaan lahat ng ito.
Doon ko na realized yung realidad ng buhay,” aniya pa.

Dagdag ni Maine, sa ngayon mas minahal niya ang kanyang trabaho bilang host ng Eat Bulaga dahil na rin sa daming buhay na kanilang napapasaya at natutulungan.

Umaasa rin siya na magtatagal pa siya sa propesyong ito dahil hindi niya nakikita ang sarili na iiwan ang noontime show.

“Gusto ko na in touch ako sa reality at isa ito sa mga way na mas mapapalapit ako sa tao. Gusto ko rin subukan ang ibang mga bagay at excited ako sa mga gagawin ko pang bago sa mga susunod na araw. I see myself doing this for a long time.

“Ito yung gusto kong ga-win talaga. Parang hindi ko ma-imagine yung sarili ko na iiwan ko ang Juan for All at Eat Bulaga. Nakikita ko na tatanda ako doing this every day kasi mahal ko ang trabaho ko,” pahayag pa ni Maine.

Abangan n’yo na lang ang mga bagong pasabog ni Maine sa ika-4 na taon niya sa Eat Bulaga!

Read more...