China Coast Guard kinukumpiska ang mga huling isda ng mga Pinoy sa Scarborough

KINUKUMPISKA umano ng Chinese Coast Guard ang mga huling isda ng mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal (Panatag Shoal) sa Zambales.

Sa mobile phone video, na inere ng Reporter’s Notebook ng GMA-7, makikita na sumasakay ang mga miyembro ng coast guard ng China sa mga bangka ng mga mangingisdang Pinoy para kunin ang kanilang huli.

Sa kaparehong dokumentaryo, nilapitan din ng mga miyembro ng China Coast Guard (CCG) ang mga mangingisda para tanungin kung may mga huli ang mga ito at sumagot naman sila na wala pa.

“Basta maghalungkat sila. Kukunin nila yung gusto nila. Ilagay nila sa plastic. Magaganda pa ang kunin nila,” sabi ng mangingisdang si Ernie Egana.

Sinabi ng eksperto sa maritime na si Jay Batongbacal na pinapatunayan lamang ng video na kontrolado ng China ang pangisdaan.

Inilarawan naman ni Lyle Morris, security analyst ng RAND Corporation, na nakabase sa United States, ang insidente bilang “hooliganism at sea.”

“CCG officers not even in uniform, but wearing green t-shirts. This is not only unprofessional, it’s hooliganism at sea,” sabi ni Morris sa Twitter.

Read more...