Angelica sa mga loveteam: Hindi kayo dapat manloko ng mga tao!

ANGELICA PANGANIBAN

TRENDING na naman ang Hugot Queen na si Angelica Panganiban matapos mag-post ng mensahe as kanyang social media account.

Sa kanyang Twitter account, nagtanong ang Kapamilya actress sa kanyang followers kung paano ba malalaman kung nagkaka-crush na ang isang tao. Iba’t iba ang naging tugon ng mga netizen sa kanya.

Pero may nagtanong naman sa kanya kung bakit hanggang crush lang siya, bakit hindi siya magmahal muli after ng controversial break up nila ni John Lloyd Cruz.

Tugon ng dalaga, “Hindi ko pa kaya please!!! Hayaan niyo ko mag ka crush!!”

Isang netizen naman ang nagtanong kung sino ang paborito niyang loveteam. Nagpaka-safe ang aktres sa sagot niya, “Lahat sila. Basta dapat totoo, ah. Ang importante kasi, hindi dapat kayo manloko ng tao.

“Kung kayo, kayo. Kung hindi, wag sila mag imbento. Ang hirap kaya umasa,” hugot pa ni Angelica.

Read more...