Relasyon nina Jennylyn at Nar pang-forever

NAR CABICO AT JENNYLYN MERCADO

MATAPOS silang magsama sa Pinoy version ng Korean hit series na My Love From The Star, mas tumatag pa ang friendship nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso singer Nar Cabico.

Kahit hindi sila madalas magkasama, hindi pa rin sila nakakalimot sa isa’t isa. Kahit nga busy sa taping ng GMA primetime series na The Cure, hindi nakakaligtaan ni Jen na pasalamatan ang kaibigan kahit ano mang gawin o ipadala sa kanya nito.

Talaga ngang #TeamForever ang pagkakaibigan nila at lagi lang silang nandiyan para sa suportahan ang isa’t isa. Palagi ngang sinasabi ni Nar, forever niyang tatanawin na utang na loob kay Jennylyn ang true friendship at pagmamahal na ibinibigay ng aktres sa kanya.

Samantala, mas magiging intense at kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa The Cure dahil kailangan sundin nina Charity (Jennylyn) ang bawat utos ng reyna-reynahan na si Suzy (Diva Montelaba) para lang hindi mapaalis sa kampo ng mga survivors.

Ano na nga kaya ang mangyayari kay Charity at sa pamilya nito sa gitna ng patuloy na pagkalat ng killer virus sa kanilang lugar? Yan ang hindi dapat palampasin sa mas exciting na mga episode sa The Cure gabi-gabi sa GMA Telebabad after 24 Oras.

Kasama pa rin dito sina Tom Rodriguez, Jaclyn Jose, Ken Chan, LJ Reyes, Jay Manalo at marami pang iba, directed by Mark Reyes.

Read more...