‘Walwal Boys’ Elmo, Kiko, Donny, Jerome game na game na sinagot ang isyu sa pre-marital sex

ISA-ISANG sinagot ng mga bida ng pelikulang “Walwal” ang tanong kung ano ang payo sa kanila ng mga magulang tungkol sa usaping pre-marital sex.

Sa nakaraang presscon ng “Walwal” under Regal Entertainment, game na game na nagbigay ng reaksyon sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan at Jerome Ponce tungkol sa pakikipag-sex kahit hindi pa kasal.

Ayon kay Kiko na anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz, “Naaalala ko ang sinabi sa akin ng nanay ko, ‘Ikandado mo ang zipper mo!’ Eksena yon sa movie.”

Ito naman ang sey ni Elmo na anak naman nina Francis at Pia Magalona, “It’s the same din na my parents naman, hindi naman ginawang it’s a serious na ganito tayo.

“Dumating kami sa point na rightful age na when I turned 18, sinabi sa amin, ‘You always be safe.’ Ganyan lang. It was never really sobrang tense na usapan. They implied sa amin na what we need to do para maging responsible.”

Para naman kay Jerome na anak ng dating action star na si Jessie Delgado, “Papa ko, kasi siya parang wala siyang advice sa akin pagdating sa ganyan. Ako naman kasi, hindi ko kailangang magtanong, hindi rin ako humingi ng tanong kasi hindi ko pinapasok ang mga ganyang bagay na, ibig kong sabihin, alamin o pag-aralan o ano, if it comes, it comes.

“Safety, siyempre nag-aaral tayo, education nga naman. Alam natin yan. Safety lang po, yon. Ako, hindi kailangan ang tulong ni Papa, ni Mama. Sa school itinuturo,” aniya pa.

Huling sumagot si Donny, ang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, “I think the biggest message my parents taught me is think before you act, na lahat ng gagawin mo there are specific consequences.

“Something will happen out of this, so always be cautious of the situation you are in. Be aware of what you do,” chika pa ng binata.

Showing na sa June 27 ang “Walwal” sa direksyon ni Joey Reyes under Regal Films. Makakasama rin dito ang “Walwal” girls na sina Kisses Delavin, Jane de Leon, Sophia Senoron at Devon Seron.

Read more...