Senador supalpal kay Dingdong sa ‘kissing scandal’ ni P-Digong

DINGDONG DANTES

NAG-REACT si Dingdong Dantes sa sinabi ng isang senador na ang paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang babae recently ay para ring paghalik ng mga may asawang artista na may kissing scenes sa pelikula or TV show.

Sinupalpal ito ni Dingdong who tweeted, “Ngayon ko lang nakita. Kaming mga artista ay gumaganap ng isang character. Minsan nga puwede kaming umayaw kung di namin trip dahil kani-kaniyang values at interpretation yan. Di porket sinabi ng director at script na talon ay tatalon ka na.”

“As actors, we are accountable to our viewers, our producers and the manner of delivering the story. Aba’y ibang usapan yan kapag public official ka. Kaya’t huwag dapat ihambing gamit ang kaniyang argumento,” the actor added.

q q q

Finally ay nagkita na sina Ganda (Liza Soberano) at Lakas (Enrique Gil) sa Bagani. Nasabik ang dalawa sa isa’t isa, gayon din ang kanilang fans kaya naman labis ang pasasalamat ng LizQuen fans sa production ng Bagani.

“THIS IS THE BEST EPISODE?”

“Parang nabaliw ako dito, na halos mangingiyak ako sa saya at para pang nakikilig ako na para bang gusto ko na ipawala si gaki para wala na silang abala.”

“I think ito na yung pinaka highlight ng the whole 3 months, regaining what we have lost, LizQuen fans have waited 1 yir for their comeback sa primetime, wid the entire globe of fans waiting.

“Lahat kaya ng sulok ng mundo may fans ang lizquen: usa, middle east, europe, asia nd pacific and the african region, bka may ma miss ako, sori po.”

Read more...