And the word war goes on.
Dahil walang balak mag-sorry si Mocha Uson kay Kris Aquino, contrary sa sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.
Matapos ang pagsagot ni Kris kay Mocha dahil sa ginawang pagkumpara nito sa kanyang ama na may controversial kiss sa kissing scandal ni Pangulong Duterte sa isang OFW sa South Korea, humingi ng paumanhin si Go, at sinabi na nag-usap sila ni Mocha para tapusin na ang isyu.
“We understand the emotions of both sides since both leaders are well respected and loved. Nag usap kami ni Mocha at nagkasundo na tapusin na ang isyung ito. We all agreed to put this issue to rest, out of respect to all our fellow Filipinos,” ani Bong Go.
Pero sa recent post ni Mocha sa kanyang Facebook page ay sinabi nya na hindi siya magso-sorry.
“With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.”
Bago ito ay nag post pa siya ng video na sinasabing hindi tungkol kay Kris ang kanyang post.
“This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay nya. Miss Aquino this is not about you.”
Nagsimula ang lahat ng ipagtanggol ni Mocha si Duterte sa paghalik nito sa isang OFW sa Korea. Ikinumpara niya ang halik na ito sa isang lumang video ni Ninoy Aquino na hinalikan ng dalawang babae, bago siya pinaslang mahigit tatlong dekada na ang nakararaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.